Ay sya…heto ang kauna-unahang kong Tagalog post. La akong magagawa kse magse-senti ako tungkol sa aking bagong nobyo pero ayoko munang malaman nya. O diba, nag-alburoto sa buong mundo pero di muna sa kanya. Actually, di naman talaga alburoto-to-the-max. Kelangan ko lang ibuhos itong nasa dibdib ko!
Kahapon, tinulungan ko siyang mag-impake. Lilipat kse sya ng bahay – hindi sa bahay ko – hindi pa. Shempre, hinukay namin ang kailalim-laliman at kasulok-sulukan ng kanyang kuwarto, may mga sulat akong nakita na galing sa kanyang dating nobya. Medyo bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang mga iyon. Pero parang sinipa pa nang kaunti nang nilagay niya ang mga sulat sa mga itatagong gamit! Bakeeet?
Tuloy ako sa paglagay ng iba pang gamit sa mga kahon at dedma sa kanyang ginawa. Pero di ko maitago na medyo irita na ako. Di ko naman masabi kung bakit. Sinabi ko na lang na medyo napa-praning na ako sa dami ng kalat sa kuwarto at kelangan na namin tapusin ang pag-i-impake.
Di pa lumilipas ang 2 buwan mula nang maging “kami” – hindi ko alam kung bakit sila naghiwalay at sa isang banda, ayaw ko naman tanungin sa kanya. Di ba dapat manggaling sa kanya? Ewan. Ang alam ko lang eh 8 taon silang magkasama. 8 taon laban sa 2 buwan…walang panalo, diba?
Haayy…praning lang po.
Like
hey, ang importante, ikaw ang present di ba. pero better kung sasabihin mo mismo sa kanya kung ano ang nararamdaman mo tungkol dun sa mga sulat..mas maganda kung open kayo sa lahat ng bagay..meron din akong nakitang mga sulat dati ng mga ex ni frenchguy and gusto na nyang itapon, pero ako yung umayaw, nakakatuwa kasi e hehe, di ba masarap din namang balikan paminsan minsan ang nakaraan hehe..
i have been so out of touch for the loooooooooongest time that i didn’t know you have a special someone na.
one day at a time mare. sabi nga nila, how do you eat an elephant? one bite at a time. bago naging 8 years, dumaan din ng 2 months yan.
relax my friend. in time, all your questions will be answered.
deadma na lang. akala n’yo ba babae lang nagtatago ng memories of past relationships? jan kayo mali. :tongue::cheerful::conehead::hyper:
ikaw naman, praning ka nga! hehe
Ang past ay past. Wala ka nang kinalaman doon, diba? Ganon din sya sa kung ano man ang ginawa mo bago pa naging kayo. Hindi ka dapat mairita sa mga bagay na ganyan.
:expressionless:
anak ng takte!
hehehe…
hmmm… as for me, i think you should ask… kasi, ganyan din ang dati kong estado… ayan, sa sobrang di naman ako nagtatanong nor di ko man lang inalam kung anong rason bakit sila nag-hiwalay… ayun pala eh, while im back here in pinas, eh mag-kasama pala sila… oh ang saya diba!!!
while you have not put much emotion into this relationship, better know what’s inside the closet…
i know it will all boils down, why you dont trust me??? question… but what the hell!!! there are a lot of temptations kasi eh… and charlita, wala din sa years of being together… ok???
well, enjoy the moment… dont think much of it… you are spoiling the moment… wag mo muna isipin yan, tsaka na… :hypnotized: pag sira na ulo mo sa kanya!
wag kang mapraning, tapos na yun. tsaka hindi mo naman talaga maaalis ang kanyang past, ganun talaga. parang ikaw rin, im sure meron ka pa ring mga mementos ng mga natapos mong relasyon (oh god ang hirap maghanap ng terminolohiyang tagalog!)
Tama ang sabi nila, better ask (ay mali :tilt: dapat pala tagalog) dapat nga tanugin mo sya para mapanatag ang isip at kalooban mo at para din nakalabas na ang lahat ng baraha sa mesa. (Hehehe, ang hirap magsalin ng Ingles na idioms!)
Nakakasama talaga ng loob yung nakita mo pero baka masyado pang maaga para sa kanya ang tuluyang bumitaw sa pinagdaanan nila. Bigyan mo pa sya ng panahon. Huwag kang mag-alala tingin ko’y talagang nakalipas na sa kanya ang relasyong iyon. :profile:
(Haay feeling native ako)
hi charl! ang cute naman, tanda talga yan pag bago pa lang kayo. yung tipong na-papraning ka at iniisip mo na ano ba ang laban ng 2 buwan sa taon diba. eto na lang isipin mo. kahit na 8 taon man yun, ikaw naman mahal niya ngayun diba?
tama na ang pag-iisip, masisira lang kagandahan mo!
hi ladycharlie,
naamuse ako sa tagalog blog mo and at the same time, i feel sad and napraning for you too. kung sa akin nangyari yan, i would ask pare why? kasi tayong mga babae di nawawala ang kaba hanggat di nakakakuha ng sagot..wala naman sigurong masama kung magtanong hehe total loves na loves ka naman nya..daanin mo sa lambing as if you are never affected..ganyan kasi ako hehe. go girl you can do it…at least para maachieve ang peace of mind..and say bye bye to praning time..
after that show him how you care sooooo much!
Ay naku, kayo talagang mga babae. Alam mo na papraning ka talaga. Ang importante “Ikaw na ngayon” at hindi na sya.
Bakit di mo tanungin ng malaman mo direct from the horse’s mouth, este direct from your BF’s mouth. Mahirap yang ganyan. Kami mga lalake, simepre di magsasalita pag di tinatanong. Iniisip kasi namin baka masaktan kayo pag nagkukuwento pa kami about doon sa dati. At saka, kita mo sa kasulok sulukan mo pa nakita.
I am sure, ikaw meron ka ring mga nakatagong mga kung ano ano dyan.
Right now, you have two choices; either you ask him or be praning foerever. Now, what is your decision.
Remember, ikaw ang naparaning, hindi sya.
Good luck. :swear:
Naku, pakitaan mo din kaya siya ng sulat, kahit na anong sulat… mabuti kung mga tanong-tanong lang o kahit na ano lang basta wlang kinalaman sa pag-ibig at siempre kailangan tagalog at galing sa lalaki para di nya maintindihan.Tapos kunwari nakatago pero sadya pala na gustong mong ipakita…tapos pag tinanong nya ano ito…sabi mo ay wala lang…tingnan mo reaction nya.. pag mukhang jelly di mabuti…pag tumaas kilay at medyo nagagalit eh di translate mo…di medyo magtatawanan kayo… sabay kurot at sabi mo selos ka ano? tapos sabi mo selos din ako nung nakita ko yung sulat mo eh… sabay lambing at deretso na sa interogation tungkol sa past…hehehe…
pasensya ka na pangkomiks lang comment ko ha. Di pa kasi nangyari yan sa akin eh…
pero seriously mahalin mo sya ng lubos pero mahalin mo rin sarili mo. Be happy!
hi lady charlie! ikaw naman, huwag nang ma-praning…at huwag mo na rin itanong…baka magkamali pa sya nang sagot, problema pa!
ikaw din, baka magsisi ka pag nalaman mo ang tunay na dahilan kung bakit…ikaw ba, wala ka bang itinagong sulat galing sa dating kalaguyo mo?…hahaha…lalim nun ah! “kalaguyo”??? tama ba yung term na yun? parang mali? ahhh..kasintahan pala…sorry:-)
kung di mo maisantabi ang mga thoughts mo na yan, siguro maganda na makahanap ka ng magandang timing para itanong sa kanya kahit na pa-joke lang.
pero wag naman sana ma-out of hand ang pagiging praning mo at pag awayan nyo pa yan. ikaw na ang nobya nya ngayon hindi ba?